Horoscope, June 28, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: May darating na magandang oportyunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka ng umarte-arte pa – sunggaban agad! Mapalad ang 2, 11, 25, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Dahan-dahan lang, hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Upang wag maubos ang pera maghinay-hinay sa pag-gasta. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang kusang bumigay. Mapalad ang 3, 12, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kung lagi kang nagbibigay darating ang araw maraming mga biyaya ang ibibigay din sa iyo ng tadhana. Sa pag-ibig, baluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal na nya nang hinihinging espesyal na romansa. Mapalad ang 2, 16, 28, 32, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Umalis muna sa sinilangang bayan upang maka-iwas sa intriga. Sa malayong pook yayaman ka. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mami-meet ang true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Nava-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi makukuha sa kuwento ang magandang kapalaran. Upang umunlad at yumaman mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 2, 19, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag pansinin ang mga intriga masisira lang ang araw mo. Ituloy lang ang pagpapalago ng inyong kabuhayan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Mapalad ang 1, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Hanggat makakaya iwasan ang mga immoral na relasyon. Sa pinansiyal, tandaang “costumer is always right,” upang lalong dumami ang benta. Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Yoga.” Yellow at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—May likas kang magnetismo, kaya sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-alok ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa Palawan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa materyal na bagay kung pananatiliin mo ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Makuntetong sa kasalukuyang sitwasyon sa susunod na mga araw sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, wag ng mag-hangad ng mas mataas na posisyon. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45. Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Itutok ang isipan sa pagpapalago ng kabuhayan at maligayang pamilya. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung itutuon ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang. Mapalad ang 4, 13, 27, 38, 41 at 44. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang manalig sa future. Darating ang araw makaka-ahon ka rin sa mga problema. Sa pag-ibig upang patuloy na lumigaya lalo pang paigtingin ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi. Alalahanin mong lagi na maraming manloloko sa panahong ito. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Read more...