Pacquiao, De Lima absent sa Senate orientation

manny pacquiao

TATLO lamang sa limang baguhang senador ang dumalo sa orientation ng Senado bago ang opisyal nilang pag-upo sa Hunyo 30.
Kabilang sa mga dumalo sa seminar ay sina Senator-elect Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva.
Hindi naman lumahok sina Senator-elect Leila de Lima at Manny Pacquiao sa isinagawang orientation ngayong araw.
Pawang may karanasan na ang tatlong bagong senador na dumalo sa seminar bilang dating mga miyembro ng Kamara.
Pinangasiwaan ng Senate secretariat ang pagbibigay ng orientation sa mga bagong senador.

Read more...