IBINUKING nina Ian Veneracion at Richard Yap sa harap ng entertainment press ang ilan sa mga “sikreto” ng kanilang leading lady na si Jodi Sta. Maria.
In fairness, sa dami ng mga tagasuporta ng tatlong Kapamilya stars, pwedeng-pwede na rin silang makipagsabayan sa mga young loveteam sa showbiz, lalo na kung “pakiligan” na ang pag-uusapan. Marami na ang excited na mapanood ang kanilang pelikulang “The Achy Breaky Hearts” under Star Cinema, lalo na ‘yung mga fans ng JoChard (Jod at Richard) na tumutok noon sa Be Careful With My Heart at mga supporters ng DodIan (Jodi at Ian) na nabuo naman sa seryeng Pangako Sa ‘Yo.
Kahit nga ang mga celebrities na kinikilig kina Jodi, Ian at Richard ay atat nang mapanood ang pelikula. Samantala, sa nakaraang presscon ng “The Achy Breaky Hearts” natanong sina Ian at Ser Chief kung ano pa ang mga qua-lities ni Jodi na hindi pa alam ng ibang tao.
Ani Ian, “Kami, since Pangako Sa ‘Yo, then may time na halos everyday na kaming nagkikita. Tapos ang dami naming time na nag-uusap. I know for a fact that if I need her, she’ll also be there. “I can call her anytime and ganun din ako sa kanya. Kasi nga, sa dami ng alam namin sa isa’t isa,” sey pa ng aktor.
Ayon naman kay Ser Chief, “Ang hindi nila alam dati, si Jodi ang takaw niyan. Sabay kaming kumakain niyan dati, order out kami ng order out. Kaya tumaba kami ng tumaba sa Be Careful, noong mag-diet siya, sabay rin kami.” Diretso namang sinabi ng dalawang Kapamilya actor na hindi mahirap mahalin si Jodi at kung wala pa silang mga asawa ngayon ay posible namang may “something” na mabuo more than friendship.
Chika ni Ian, “Siyempre as an actor, dapat nandu’n yung possibility lagi. You can’t put your co-actor to love and not find anything about to like her. And it so happened, si Jodi is so easy to love. There’s so many lovable things about her. “It’s not hard for any actors to look at her and find something to fall in-love,” esplika ng aktor.
Sagot naman ni Richard, “Well, like Ian said, mabilis kang maano sa kanya. Mabait, maganda. Parang she has all the qualities you would want. But we try to separate yung real sa work kasi, we don’t want to complicate things also. And we respect Jodi. “Kasi, alam namin na, as a person na may asawa na, ayaw rin naming gawin sa kanya na parang gagawin kitang number 2. Parang ganu’n,'” hirit pa ni Ser Chief na ikinahagalpak ng press.
Para naman kay Jodi, “Sa akin kasi, umpisa pa lang, klarong-klaro na sa akin ang boundaries ko at kung nasaan sila, anong estado ng buhay nila. Bilang married men, I should not do anything na magku-cross du’n sa boundaries na yun.