Dahil sa death threats, Dawn titigil muna sa pag-aartista

dawn zulueta

NAKAKALOKA ang chikang may death threat sa pamilya ni Dawn Zulueta. Humingi na nga ng tulong ang family niya sa NBI dahil sa natatanggap na mga pagbabanta sa kanilang buhay. Hindi na kasi biro ang mga threats na halos araw-araw yata ay natatanggap ng kanyang pamilya.

Worse, pati ang anak niya ay napasama na. May isang guy raw na muntik nang kidnapin ang kanyang anak habang nasa school. Mabuti na lang at alerto ang security escort kundi ay baka nakidnap ang anak ni Dawn.

Maging sa shooting ay meron din daw umaali-aligid sa aktres. Ipinagtatanong daw ang location ng kanyang shooting. Worried na worried na ang family ng aktres kaya naman humingi na sila ng tulong sa NBI.

Sa ngayon ay ibayong pag-iingat ang ginagawa ni Dawn at ng kanyang pamilya lalo pa’t seryoso yata ang sinumang nananakot sa kanya. With that, hindi kaya ma-limit ang showbiz activities ni Dawn? O, baka pansamantala muna siyang tumigil sa pag-aartista para sa kanyang safety.

Read more...