Luis: Karapat-dapat namang maging sexiest woman si Jessy!

jessy mendiola at luis manzano

NAGING sampol ng tuksuhan si Luis Manzano kahapon sa ASAP nang mapag-usapan ang pagiging Sexiest Woman ni Jessy Mendiola sa isang men’s magazine.

Asar-talo ang TV host-actor sa mga kasamahan niya sa show, lalo na sa mga kaibigan niyang sina Toni Gonzaga at Jolina Magdangal nang bigla nilang maging topic si Jessy na nali-link ngayon sa kanya. Natalakay kasi sa Sunday musical show ng ABS-CBN ang pagiging frontrunner ni Jessy sa isinasagawang online poll ng FHM para sa taunang Sexiest Women.

Hirit ni Toni, “I’m sure may isang bumoto sa kanya, iyong katabi ko I’m sure bumoto yan,” na ang tinutukoy nga ay ang FHM poll. “Yes, bumoto po ako, sa Batangas, sa Batangas bumoto ako nung eleksyon,” sagot naman ni Luis.

“Hindi iba yun, yung sexiest eh, iba yung nakita kong titig mo eh,” patuloy na panunukso ni Toni sa kaibigan. Na sinagot naman ni Luis ng, “Nakita naman nating karapat-dapat siyang maging sexiest at mag-top ng list ng men’s magazine na ‘yun.” Sigawan naman ang audience na tila nakiisa na rin sa panunukso kina Luis at Jessy.

Nauna nang dinenay ni Luis na may relasyon sila ni Jessy kahit na ilang beses na silang nakitang magkasamang magka-date. Ang huli nga ay ang panonood nila ng sine kamakailan. May isang fan kasi na nagpa-picture sa kanila at ipinost nga ang photo sa social media.

Sinasabing naging close sina Luis at Jessy nang ipagtanggol niya ang dalaga kay Enrique Gil noong gumawa ito ng eksena sa loob ng eroplano habang patungo sila sa London para sa ASAP Tour last year.

Read more...