Baron-Matos fight nauwi lang sa wala; Round 3 di itinuloy, walang nanalo

NAUWI lang sa wala ang mga payabangan at awayan nina Kiko Matos at Baron Geisler nang magtagpo ang dalawa sa ring Sabado ng gabi sa URCC fight night na ginawa sa Valkyrie.

Natapos ang dalawang round ng bakbakan nina Kiko at Baron.  Parehong napahandusay ang dalawa sa kani-kanilang mga sulok nang matapos ang round 2.

Nag-anunsyo na may gagawing round 3 para pagdesisyunan kung sino sa dalawa ang mananalo, ngunit sa kinalaunan ay binawi ito at sinabi na “tie” ang dalawa.

 

Read more...