Compatible ba ang Virgo at Taurus?

Sulat mula kay Joy ng South Ville Country Homes, Ma-a, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong April 25, 1993 at ako naman ay isinilang noong September 11, 1993. Madalas na sa aming may nangyayari, kaya gusto kong malaman kung tugma ba kami at kung tuparin nya ba ang kanyang pangako na ako ay papakasalan niya kapag daw nakaipon na siya ng sapat na perang pampakasal namin. At gusto ko rin sanang malaman kung compatible po ba ang Taurus at ang Virgo at kung kam na ang magkakatuluyan, magiging maligaya at maunlad kaya ang aming itatayong pamilya?
Umaasa,
Joy ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang kauna-unahang magiging boyfriend mo at lalaking unang makagagalaw sa iyong pagkababae, walang duda siya na ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
King of Clubs, Queen of Clubs at Three of Hearts, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mula ngayon lilipas ang mga tatlo o kaya’y apat na taon pa, tuluyan na kayong magsasama at magiging isang legal at lehitimong mag-asawa.
Itutuloy….

Read more...