Jerome, Loisa trabaho muna bago magseryoso sa lovelife

loisa andalio at jerome ponce

MAY bagong kakikiligan ang mga manonood simula ngayong Linggo sa pagbida ng tambalan ng Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce sa Wansapanataym Presents: Candy’s Crush.

Sa kanilang unang tamabalan, lubos ang saya na nararamdaman nina Loisa at Jerome para sa suporta ng kanilang fans at Kapamilya network. “Masaya po ako at kinakabahan dahil first time po ko sa ‘Wansapantaym.’ Basta ibibigay ko po ang best ko,” sabi ni Loisa.

“Ito po ay second chance upang mapatunayan kung may ibubuga po kami nang hindi kasama ang dati naming ka-loveteam,” dagdag pa ni Jerome. Hindi rin iniisip ng dalawang Kapamilya stars ang kumpetisyon at hinahangad lang na mapasaya ang mga manonood at mas gumaling pa sa kanilang pag-arte.

Ngayong Linggo, gaganap si Loisa bilang si Candy, isang estudyanteng may pagtingin sa campus heartthrob na si Paolo, na gagampanan naman ni Jerome. Ngunit dahil sa pagiging pabling nito, maraming babae ang kanyang sinasaktan.

At upang makaganti, gumawa ng isang magic potion si Candy kasama ang kanyang kaibigang si Amanda. Ngunit nang inumin na ni Paolo ang potion, imbis na kay Candy, kay Amanda umubra ang gayuma dahil siya ang unang nakita ng binata.

Paano maalis ang sumpa kay Paolo? Ano ang dapat gawin ni Candy upang manumbalik ang lahat sa dati? Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Candy’s Crush sina Lara Quigaman, Erin Ocampo, Michelle Vito, Amy Nobleza, Igi Boy Flores, Ruby Ruiz, Shey Bustamantem, Phiphi Palmos at Ma. Isabel Lopez.

Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay, sa panulat ni Noreen Capili. Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo sa ABS-CBN. Samantala, parehong trabaho ang priority ngayon nina Loisa at Jerome kaya wag daw munang lagyan ng malisya ang kanilang tambalan. Kahit inamin na ng binata ng crush niya si Loisa ay hindi pa raw siya handang ligawan ang dalagita.

Read more...