Pamilya ni Dawn nasa panganib, humingi ng resbak sa PNP at NBI

dawn at anton zulueta

HUMINGI na ng tulong sa NBI ang Kapamilya actress na si Dawn Zulueta at asawa nitong si Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo matapos tangkaing dukutin ang kanilang anak ng hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Bukod dito, nakatanggap din diumano ng pagbabanta ang mag-asawa na pinaniniwalaang may kuneksiyon sa politika. Ayon sa legal counsel nina Dawn na si Atty. Rudolf Philip Jurado, hiniling ng mag-asawa sa NBI na bigyan ng kaukulang proteksiyon ang pamilya Lagdameo at kilalanin agad ang nasa likod ng pagbabanta sa kanilang buhay at sa mga nagtankang kumidnap sa kanilang anak.

“This matter now became a growing concern for our client since his work, and that of his wife, constrain them to be in front of, and near, the public, which would make them very easy targets should these threats be true, not to include their minor children who are mostly vulnerable while or when they are going to or from their schools,” ayon pa sa abogado nina Dawn.

Read more...