Drew Arellano bilib na bilib sa mga estudyante ng CDO

drew arellano

“NGAYON ko lang naranasan ang ganitong pag-akyat. Hindi ito biro! At ginagawa nila ito araw araw!”

Ito ang nasabi ni AHA! host Drew Arellano sa kanyang pagbisita sa isang komunidad sa Bukidnon para alamin kung gaano kahirap abutin ang maayos na edukasyon para sa mga estudyanteng nakatira sa mga liblib na lugar.

Sa unang araw ng eskuwela, sinamahan ng soon-to-be-daddy host ang mga batang tumatawid sa delikadong ilog ng Cagayan de Oro gamit ang isang balsa at umaakyat ng matarik na bundok bago makarating sa kanilang pampublikong paaralan sa CDO.

Ano-ano ang mga pang-araw-araw na pakikipagsapalaran at peligro na nakaabang sa mga bata? Paano kaya nagtutulungan ang kanilang mga magulang at komunidad para suportahan ang masidhing pagnanasa ng mga bata na makapag-aral? Ano kaya ang simpleng suporta na maibibigay ng AHA! para sa kanila?

Sa 6th anniversary special episode ng AHA!, samahan si Drew na alamin ang kahanga-hangang kuwento ng mga batang handang harapin ang kahit anong pagsubok makamit lang ang edukasyon na inaasam-asam na kung tutuusin naman ay karapatan ng lahat ng bata.

Abangan ‘yan ngayong Linggo (June 26), sa AHA!, 8:15 a.m. sa GMA.

Read more...