Paano makaka-jackpot sa lotto? (2)

Sulat mula kay Cenon ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon

Problema:
1. Ako ay 72 years old na sa ngayon at may dalawang anak na pawang tapos ng pag-aaral, dahil sa kabila ng kahirapan ay sinikap ko silang papagtapusin kaya lang ay may pamilya na sila ngayon at hindi na nila ako inintidi pa. Sa ngayon ay nagiisa ako sa bahay at nabubuhay lang sa tulong ng aking mga kapit-bahay at malalapit na kaibigan. Minsan ay pinapadalan din ako ng mga anak ko pero madalang at minsan lang sa limang buwan.
2. Madalas akong tumaya sa lotto para makapagsimula ako ng sarili kong hanap buhay, ang problema hindi naman ako pinapalad na tumama ng jackpot. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano bang mga numero ang magpapatama sa akin ng jackpot upang sa edad kong ito bago man lang ako malagutan ng hininga ay makatikim man lang ako ng kaginhawahan sa buhay. December 13, 1943 ang birthday ko.
Umaasa,
Cenon ng Valencia,
Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing susuweretehin ka sa panahon ng Cancer at Virgo ito ay ang buwan ng Hulyo hanggang Agosto. Sa nanasabing panahon ka magtataya higit lalo sa taong ito ng 2016 hanggang 2017. Sa nasabing mga panahon, malaki ang tsansa na ikaw ay manalo ng malaking halaga sa lotto at sa iba pang uri ng number games.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing ikaw ay mapalad sa numerong 7, 16, 25, 28, 34, at 41 gayon din ang numerong 4, 13, 19, at iba pang birth date ng mga taong mahahalaga sa iyong buhay. Sa nasabing mga numero masasapol mo na ang dambuhalang premyo sa lotto sa susunod na taong 2016 hanggang 2017 sa edad mong 73 pataas.
Luscher Color Test:
Upang matiyak ang malaking panalo, sa tuwing tataya ka sa lotto magsuot ng kulay na pula o kaya’y dilaw. Ang nasabing kulay ang hahatak ng malaking suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng mataeryal na bagay.
Huling payo at paalala:
Cenon sundin mo lang ang mga tagubiing binanggit na sa itasa, at ang huling advice tumaya ka sa lotto outlet na mahaba ang pila na malapit sa tindhan ng mga damit o ukay-ukay. Kapag nagawa mo ang mga simleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2017 sa buwanm ng Huyo hanggang Agosto sa edad mong 73 pataas tatama ka na sa lotto ng dambulang jackpot.

Read more...