JC suportado si Jessy sa 2016 FHM Sexiest Woman

jessy mendiola at jc de vera

SPEAKING of FHM, agad na kumalat sa social media ang ginawang announcement ng management sa hindi pagrampa ni Nadine Lustre sa big night ng kanilang Sexiest Women. Kaya may mga nagsabi agad na malamang si Jessy Mendiola na ang mananalo sa FHM this year.

For sure, pag nalaman ni JC de Vera ‘yan una pa siyang susugod sa big night ng FHM. Noong nakatsikahan namin si JC ay obvious na masaya ang puso niya. Maybe not only because happy sila ni Jessy kundi maganda rin ang takbo ng career niya. May regular show siya at laging may drama series at pelikula.

Proud din si JC sa bagong episode na ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya na ipapalabas na ngayong gabi sa ABS-CBN. JC will play an important role sa nakaka-antig na kwenyo ng buhay ng batang si Caitie or mas nakilala sa social media bilang si “Courgaeous Catie.”

Si Courageous Catie ang munting anghel na nagpakita ng hindi mapapantang tibay at tapang sa kabila ng kanyang pambihirang karamdaman. Ang tunay niyang pangalan ay Meil Espinoza, unang anak ng mag-asawang sina Tine na gagampanan ni Shaina Magdayao at Jayjay na ipo-portray ni JC.

Kasama sa MMK episode na ito sina Aubrey Miles, Dante Ponce, Aiko Climaco, Bernadette Allyson, Kenzo Gutierrez at Miko Raval, sa direksyon ni Dondon Santos.

Read more...