Allan K, Acapellago, Tammy Brown makikipagbiritan kay Regine

sarap diva

NGAYONG Sabado may masaya at masarap na namang mga paandar ang magaganap sa Sarap Diva house ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Makisali sa kwentuhan, kantahan at kantahan pa more kasama si Allan K at ang internet sensation na si Tammy Brown at ang grupong Acapellago.

Maki-sing-along sa mga paborito ninyong kanta ni Jaya, Lani Misalucha at Celine Dion! At siyempre pa, makibirit din sa Songbird favorites.

Para sa pananghalian, alamin din kung paano ginagawa ang crispy pata sa mais version of Regine. Lahat ng yan at iba pang mga sorpresa ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva after Maynila.

Read more...