PINAYAGAN ng Sandiganbayan Fourth Division si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na maghain ng demurrer of evidence na naglalayong ibasura ang kasong graft na inihain laban sa kanya kaugnay ng $329 milyon National Broadband Network (NBN) deal sa Chinese telecommunications giant na ZTE.
Sa isang resolusyon, binigyan ng anti-graft court si Arroyo ng 10 araw para maghain ng demurrer to evidence.
Isinulat ang resolusyon nina Associate Justice Jose Hernandez, Associate Justices Alex Quiroz at Associate Justice Geraldine Econg.
Sakaling aprubahan ang petisyon ni Arroyo, ibabasura na ng Sandiganbayan ang kaso laban sa dating pangulo.
Bukod sa mga kasong graft, nahaharap din si Arroyo sa plunder kaugnay naman ng umano’y maanomalyang paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCOO).
MOST READ
LATEST STORIES