Diwalwal, isasara na?

ALAMIN muna ang katotohanan at isa-isahin ang media, o sinumang hinatulan na ng makasalanang mata, para matiyak kung dapat nga bang maghusga. Kundi’y ituwid muna ang sariling pagkakamali bago humatol sa iba. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2 H 17:5-8, 15a, 18; Slm 60; Mt 7:1-5) sa ika-12 linggo ng taon.

Matagal bago kumibo ang ilang pari sa Diocese of Malolos. Hinintay muna nila ang kapistahan ni Santa Florentina, at sa araw na ito nakatuon ang Mateo 7:1-5. Kung nahusgahan na ni Digong ang media bilang korap, hindi gagawin ito ng mga pari, na nilahat ni Digong sa akusasyong ipokrito. Pero, kung may korap nga na media, malugod silang tatanggapin ng mga pari sa kumpisalan at bibigyan ng pagkakataong magbago.

Nagbanta si Digong na papatayin niya ang sinumang sisira, o sumira na, sa menor de edad. Ayaw kong maniwala na isa sa mga sumira sa menor de edad ay si Kiko Pangilinan. Dahil kung iyan nga ay si Pangilinan, dapat lang na ilapat ang hustisyang Digong. Ang ka-Banderang si Mon Tulfo ay madalas na sisihin si Pangilinan sa naging dambuhalang batang hamog. Handa ka na bang maging susunod na biktima ng batang hamog?

Duda si Digong na ang maraming pinapatay ng mga pulis na durugista at tulak ay mga asset din ng alagad ng batas. Okey lang na patayin ang mga yan kahit na sila’y mga police assets. Ang mga nagtatanggol sa mga durugista at tulak ay di pa nabibiktima ng mga ito. Ang durugista at tulak ay isa lang.

Inisip daw ni BSA3 na magdeklara ng martial law sa Sulu. Di ba’t muhing-muhi ka sa martial law, kaya’t binakbakan mo si Bongbong Marcos at maging si Digong ay inakusahang magiging diktador? Kung muhing-muhi ka sa martial law, bakit hindi inalis ng nanay mo ang batas militar sa kanyang Saligang Batas at itinuring pa ang hukbo (na nagpapatupad ng martial law) bilang tagapagtanggol ng bansa?

Ayaw kong tagalugin ang child sex worker. Kahit na ang simbahang Katolika ay hindi tinatagalog yan. Si nene, 12, ng San Leonardo, NE, ay tumitihaya sa sinumang lalaki na kaya ang kanyang presyo. Kailangan niyang kumita para sa kanyang mga magulang na may sakit, limang kapatid at lola. Bunso. Dedma na muna ba si Digong? Bakit tahimik si Digong sa Davao prostis?

Sa UE, si nena ay nagpapagamit sa kanyang kilalang DOM kapag enrolment at finals. Ngayong May-June, nakapito siya at boundary na sa matrikula. Nagpapagamit din siya sa kanyang hayok na mga prof kapag sinasabi sa kanya na “mababa ang grades mo.” Umiiyak na lamang siya sa simbahan ng Espiritu Santo. Dedma muna ba si Digong (maganda si nena, maputi, pinagpapantasyahan at puwedeng sipulan)?

Uunahin ba ni Gina Lopez ang maliliit na minero sa Diwalwal? Kaya bang ipasara ni Digong ang mga lungga ng ginto rito? O kung itutuloy man ay isasalin lang sa malaking minero?
May agam-agam dito. Pero, lalaban sila kapag inalis ang kanilang kabuhayan.

Namemeligro ang nanalong politiko sa Caloocan. Baka idiin siya ng natalong politiko sa droga, at kapag nakumbinsi si Digong ay parusahan ang politikong ito. Pero, kung tutuusin, lahat naman ng politiko (noon at ngayon) sa lungsod ay nagparaya rin sa mga durugista at tulak. Ngayon nga lamang nila sineseryoso ang gera kontra droga.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit hindi ginagalugad ng mga pulis ang Anabu (Cavite)? Maraming shabu rito. Dito rin itinatago ang shabu bago ibiyahe pa-Metro Manila. …5889

Read more...