Beauty napaiyak sa presscon: Akala ko kasi hindi na ako makakabalik!

BEAUTY GONZALEZ

BEAUTY GONZALEZ

NAPAIYAK ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez sa presscon ng latest offering ng Star Cinema na “The Achy Breaky Hearts” starring Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion and Richard Yap.

Naging emosyonal si Beauty nang mapag-usapan ang kanyang pagbabalik-showbiz, dahil aniya, “Akala ko kasi hindi na ako makakabalik!”

Pagkatapos kasi niyang ipanganak ang panganay na anak nila ni Norman Crisologo na si Baby Olivia ay natakot siya na baka hindi na uli siya bigyan ng trabaho ng ABS-CBN dahil nga nabuntis siya noon habang umeere ang teleserye niyang Ningning.

“Maganda kasi yung rating ng Ningning, maganda yung reviews. Tapos bigla akong nabuntis. So, I felt bad, kasi I really wanna finish the show. I love my role there. But, yun ang ibig kong sabihin na hindi maganda, I was pregnant. It was my first baby. I didn’t know how to handle everything.

“Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng mga tao. Okey lang ba sa trabaho ko?” kuwento ni Beauty. Dagdag pa niya, “Humingi naman ako ng sorry sa kanila (co-stars at production). Naintindihan naman nila yung sitwasyon ko.”

Dugtong pa niya, “Of course, may kaunting panghihinayang. Hindi naman iyan nawawala sa atin. Pero feeling ko ngayon may purpose na ako in life. I feel so complete. Ang sarap, sarap maging nanay,” sey ni Beauty sa panayam ng entertainment media sa presscon ng “The Achy Breaky Hearts” kung saan gaganap siya bilang isang love guru.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “As a mother, may mga insecurities tayo: ‘Do I look good? Kaya ko pa ba itong work? Kaya ko bang iwanan anak ko? May maniniwala pa ba as akin?’ Kasi hindi naman maganda ang pagka-exit ko.

“Hindi mo rin kasi alam kung anong mangyayari sa iyo eh, kung tatanggapin ka ba ulit. Siyempre nabuntis ako, kaya takot ako. Pero I’m so happy at naalala pa rin ako ng mga taong nagmamahal sa akin,” aniya pa.

Ayon naman sa Star Creatives at Star Cinema executive na si Roxy Liquigan, may mga pinaplano na silang next projets para kay Beauty bukod sa supporting role nito sa “Achy Breaky Hearts” na showing na nationwide sa June 29.

Read more...