Kailan magkakaroon ng permanenteng trabaho? (2)

Sulat mula kay Nelissa  ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte
Problema:
1. Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako natatanggap. Minsan ay nagka-trabaho na ako kaya lang contractual lang kaya hindi din ako na-regular. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanente at regular na trabaho? Tapos po ako ng kursong HRM kaya lang lagi nga pong hindi related sa course ko ang mga napapasukan ko.
2. Sa palagay nyo kailan ako makakatagpo ng permaneteng trabaho na relatd sa course ko? October 6, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Nelissa ng Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na asul, violet o kaya’y pula, sa tulong ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini o kaya’y Aquarius, sa taon din ito ng 2016 kusang gaganda ang kapalaran mo sa career at pang materyal na bagay.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing ang lalaking tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad at magkaroon ng magandang kapalaran sa ibayong dagat ay isinilang sa petsang 9, 18, 27, 6, 15 o kaya’y 24.
Graphology:
Bahagyang pagbabago lamang sa iyong lagda ang dapat upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Lakihan mo ang “buntot na bilog ng letrang g” sa iyong aplido.
Kapag nalakihan mo na ang “buhay at bilog na buntot ng letrang “g” – tiyak ang magaganap, anoman ang gawin mo sa iyong buhay, aani ka ng malalaking pag-asenso at tagumpay.
Huling payo at paalala:
Nelissa ayon sa iyong kapalaran kaya hindi ka matanggap sa mga inaaplayan mong trabaho at kaya hindi ka ma-regular dahil sa katotohanan, wala sa Pilipinas ang magandang kapalarang sa iyo ay naghihintay. Bagkus tulad ng nasabi na, ang magandang kapalaran ay nasa malayong lugar, kung kaya’t ngayon pa lang simulan mo na ang pag-aaplay sa abroad, sapagkat na kahanda na ang iyong magandang kapalaran, sa taon dinbg ito ng 2016, sa edad mong 23 pataas, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Nobyembre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran na maghahatid upang tuloy-tuloy ng umasenso at umunlad ang iyong career at kabuhayan.

Read more...