KAHIT saang lugar magpunta, laging may dalang panyo si Vilma Santos kaya lahat ng kanyang impersonators ay lagi ring may hawak na panyo kapag nagpe-perform.
Kumalat ang malisyosong balita noong kasagsagan ng kasikatan ni Ate Vi na kaya raw lagi siyang may dalang panyo ay para takpan ang napakalaking varicose veins sa kanyang kaliwang kamay. Ngunit napatunayan namang wala itong katotohanan. For “sanitary purposes” lang kung kaya laging may panyo ang Star For All Seasons.
Alam n’yo ba na ilang sikat na designers din tulad ni Rajo Laurel ay gumawa pa ng mga bonggang panyo para lang i-match sa mga wardrobe ni Ate Vi? Bongga, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.