ANG iginagalang na gamefowl breeder na si Rafael “Nene” Abello ng Bacolod City at ang dating World Slasher Cup champion na si dating Kalinga Gov. Lawrence Wacnang ay parehong umsikor ng limang panalo upang pagsaluhan ang kampeonato ng Thunderbird Iloilo Challenge na ginanap kamakailan sa Iloilo Coliseum.
Si Abello (Raffy Iloilo Coliseum), na nag-kampeon sa unang pagtatanghal ng Thunderbird Challenge na noon ay gananap sa Isla ng Boracay pitong taon na ang nakararaan, ang siyang nakapag-uwi ng tropeo na dinisenyo ni Zandro Castrillo dahil sa pagkakatala niya ng mas mabilis na championship-winning time.
Si Wacnang (Crowsland) ay nagwagi din sa 2015 Thunderbird Davalo Challenge kung saan nakasalo niya sa korona si Nestor Vendivil ng Nueva Ecija. Ang local na 5-cock derby ay pinagwagian nina Digmaan champion Kris Rodriguez (GH Make It Rain) at Mamerto delos Reyes (Polaris).