Say mo Bea, Zanjoe may bagong babaeng dine-date

bea alonzo at zanjoe marudo

NAKAKADUROG ng puso ang episode ni Zanjoe Marudo sa Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN last Saturday. Grabeng luha ang lumabas sa mga mata namin habang nanonood. For sure hindi lang kami ang umiyak sa panonood.

Akmang-akma ang kwento sa MMK bilang pagpupugay sa mga haligi ng tahanan especially sa mga solong magulang na nag-aruga at nagpalaki sa kanilang mga anak. No wonder nakakuha ng napakataas na rating (38.3%) ang episode ni Zanjoe bilang caveman sa programa ni Charo Santos last Saturday.

Ginampanan ni Zanjoe ang role bilang isang single father na nagpalaki sa dalawa niyang anak pagkatapos iwan ng kanyang asawa. For sure may hugot si Zanjoe sa pagganap ng role niya niya sa MMK dahil sa mga pinagdaanan niya sa kanyang lovelife.

Pagkatapos ng break-up nila ni Bea Alonzo, clueless naman ang publiko kung sino ngayon ang current girl na dini-date ni Zanjoe. Pero may time pa kaya si Zanjoe makipag-date? Hindi ba’t time ang isa sa major reasons daw kaya sila nag-break ni Bea?

Read more...