PINAKAYAMAN si Finance Secretary Cesar Purisima na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino na nagsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2015 matapos umabot ng P301.3 milyon ang kanyang networth, samantalang pinakamahirap naman si Education Secretary Armin Luistro na may kabuuang P586,107.11 networth.
Samantala, bukod kay Purisima, kabilang sa 10 pinakamayamang miyembro ng Gabinete ay sina Tourism Secretary Ramon Jimenez na may kabuuang networth na P289.07 milyon; Health Secretary Janette Garin na may kabuuang P141.6 milyong networth; Agriculture Secretary Proceso Alcala, P92.96 milyon; Public Works Secretary Rogelio Singson, P88.5 milyon; Science and Technology Secretary Mario Montejo, P63.1 milyon; Commission on Filipino Overseas head Imelda Nicholas, P44.7 milyon; Commission on Higher Eduction (CHED chair Patricia Licuanan, P40. 4 milyon; Budget Secretary Florencio Abad, P34.8 milyon at Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento, P33.7 milyon.
Umabot naman ang kabuuang networth ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa P16.4 milyon, samantalang umabot naman ng P12.998 milyon ang networth ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
Kabilang naman sa pinakamahirap na miyembro ng Gabinete ay si Labor Secretary Rosalinda Baldoz na may P2.3 milyon at Social Welfare Secretary Corazon Soliman, P4.7 milyon.