Angelika biglang nag-collapse pagkatapos ng binyag ng panganay nina John at Isabel

angelika panganiban

NAG-COLLAPSE pala si Angelica Panganiban matapos siyang um-attend sa binyag ni Baby Lily Feather, anak nina Isabel Oli and John Prats.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost pa ni Angelica ang isang photo ng binyag kung saan isa siya sa mga ninang with this caption, “Ninang duties done nag collapse naman after yung headcount ko sa reception, pwedeng pakainin mo na lang ako sa Thursday? @iamjohnprats #MalifecentSiNinang #SundayNaNauwiSaBedRest!”

Hindi naman sinabi ni Angelica ang dahilan kung bakit siya nag-collapse, kung gutom siya, kung pagod siya o kung may over fatigue siya. Anyway, mukhang okay na naman ang aktres dahil ang caption niya sa isang message photo ay “Back to work.” Siguro ang tinutukoy niya ay either ang Banana Sundae o ang movie niya with Dingdong Dantes.

Read more...