Concert ni Alden sa Pampanga, hindi tuloy; delikado ang buhay?

HINDI matutuloy ang O “AldenVasion concert” featuring Alden Richards sa Hunyo 25 sa Laus Group Event Centre sa San Fernando, Pampanga.

Ito ang inanunsyo ng CCA Entertainment Productions, organizer nang nasabing concert.

Ipinagpaliban ang concert dahil sa napababalitang maaaring malagay sa kapahamakan si Alden at maging ang mga manonood sa kanyang concert.

Napagdesisyunan na isailalim muna sa imbestigasyon ang napapaulat na tila “threat”.  Iaanunsyo na lamang anya ng CCA ang bagong schedule ng concert.

 

Read more...