Sam Milby ibinandera ang relasyon sa bagong girlfriend

sam milby at mari jasmin

MUKHANG open na si Sam Milby sa relasyon nila ng TV host/blogger/model na si Mari Jasmin dahil nag-post na siya ng litratong magkasama sila na may caption na: “SamuelmilbySorry @mari_jasmn, better luck next year. Hahaha! #CAVSALLIN#NBACHAMPION.”

Obviously, magkaiba ng gustong koponan sina Sam for Cavaliers at si Mari Jasmin naman para sa Golden State Warriors. May ipinost naman si John Prats na magkasama sina Sam at Mari Jasmin sa binyag ng anak nila ni Isabel Oli na si Baby Feather.

May tinanong kaming taong malapit kay Sam kung open na ang aktor sa relasyon nila ni Mari dahil sa mga nakaraang interviews nito ay talagang ayaw na ayaw niyang pag-usapan ang dalaga. Gusto ni Sam na maging pribado raw ang buhay pag-ibig niya kaya maski na anong pilit namin ay nganga ang entertainment press. Kaya nagulat kami nang mag-post ang Doble Kara actor ng litrato nila ni Mari Jasmin na parehong naka-baseball cap ng paborito nilang koponan.

Ayon sa source naming malapit kay Sam, “Honestly, hindi ko alam kung sila na ulit, alam ko nag-break sila dati, tapos going out ulit. Baka nga kasi nag-post na.” Natawa kami kasi hindi pa nga umaamin si Samuel Lloyd tapos nabalitang nag-break na sila ni Mari Jasmin? “Baka kasi gusto niya ‘yung sure na o sigurado na, kasi pag nalamang break na, issue na naman sila,” paliwanag ng source namin.

Sa madaling salita, opisyal nang magdyowa sina Sam at Mari Jasmin dahil mismong ang aktor na ang nag-post ng litratong magkasama sila. Anyway, nalaman namin sa taga-production ng Viva Films na kasama si Sam sa pelikulang “Camp Sawi” with Bela Padilla, Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Kim Molina at Yassi Pressman mula sa direksyon ni Irene Villamor. Gagampanan ni Sam ang papel na camp master at siya lang ang nag-iisang lalaki sa pelikula kaya mahaba ang papel ng aktor.

Read more...