Sinabi ni Zamboanga Cty Police director Supt. Luisito Magnaye na inililipat si Alhnur Usup, na kilala rin bilang Arab-arab, Arab Puti at Aldin Usup, kasama ang isa pang bandido sa Zamboanga City Reformatory Center nang bigla siyang tumalon mula sa sasakyang gamit ng pulis.
Tinangka rin tumakas ng isa pang bandido, na kinilala bilang Jamal Labuan, bagamat nabigong makatakas.
Idinagdag ni Magnaye na si Usup ay kabilang sa mga suspek na nasa likod ng pag-masaker sa dalawang dosenang katao, kabilang na ang siyam-na-buwang sanggol sa Talipao sa Agosto 2, 2014.
Naaresto si Usup sa Zamboanga City noong Hunyo 2.
“While he was about to be committed to the city jail, he escaped,” ayon pa kay magnaye.
Idinagdag ni Magnaye na isa lamang ang pulis na nagbabantay sa mga inililipat na mga preso na kinilala na si SPO4 Montasil Amirul.
Minamaneho naman ni SPO1 Mario Lafuente ang L300 van. Kapwa nakatalaga ang dalawang pulis sa intelligence division ng Zamboanga City police.
Aniya, nahaharap sa kaso ang dalawang pulis.
“We’ll file a case against them,” sabi ni Magnaye.
Sinabi ni Supt. Jomarie Albarico ng Central Police Station na noong una’y ikinulong ang dalawang bandido sa kanilang detention cell.
“They didn’t ask for additional (security) personnel (during the transfer),” dagdag ni Albarico. Inquirer