KABILANG ang isang guro sa pampublikong high school sa mga naaresto ng mga pulis matapos ang isinagawang raid malapit sa iba’t ibang bahagi ng Tacurong City.
Nahulihan si Noria Pudin, isang guro sa Tacurong City National High School, ng 74.3 gramo ng shabu sa isinagawang raid sa kanyang bahay sa Barangay New Isabela, ayon kay Tacurong City police chief, Supt. Ranie Hachuela.

Itinanggi ni Pudin na siya ay drug pusher at itinanggi na kanya ang shabu na nakuha mula sa kanyang bahay.
Arestado rin ang mga suspek na sina Benjie Ganding
Gayan, Aliman Midtonong Salat, Nasser Midtonong at Hasser Musalim sa hiwalay na raid.
Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Tacurong City police jail habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila.
MOST READ
LATEST STORIES