Anak nina John Prats at Isabel Oli bininyagan na

john prats at isabel oli

BININYAGAN na nitong nagdaang Linggo ang anak nina John Prats at Isabel Oli na si Baby Feather.

Nakita namin ang ilan sa mga litratong kuha sa binyagan na ipinost mismo ng ilang kaibigan ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts. Naroon ang kapatid ni John na si Camille Prats, sina Rayver Cruz, Sam Milby, ang stylist na si Bang Pineda at mga non-showbiz friends ng mag-asawa.

Ayon kay Pratty, talagang hands-on sila ni Isabel bilang parents ni Baby Feather, sa katunayan meron silang sinusunod na schedule na mag-asawa pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak. Sa panayam sa actor-dancer sinabi nitong ibang klase talaga ang feeling ng pagiging tatay, lalo na ngayon unti-unti nang lumalaki ang kanilang panganay.

“Grabe ang moment na ito sa buhay namin ng asawa ko. Hindi ko ma-explain ang saya. Napakalaking pagbabago sa buhay namin. Totoo ang mga tsismis. “Puyatan talaga sa pag-aalaga, pero sobrang sarap na puyatan. Sulit ang bawat segundo kapag kapiling ko sila,” sabi pa ni John.

Dagdag pa ng Kapamilya star, mas lalo siyang ginaganahang magtrabaho ngayon dahil kay baby Feather, “Kapag may trabaho nga, gusto kong matapos na agad para makauwi na at makita ko na ang anak namin. Parang lagi kang hinihila pauwi ng bahay. Ganu’n ang effect sa akin bilang daddy.”

Read more...