Sharon lumiit na nga ang tiyan pero grabe pa rin ang laki ng braso at hita

sharon cuneta

MARAMING naliligayahan sa malaking pagbabago ng itsura ng kanilang idolong si Sharon Cuneta. Sa mga retratong ipino-post ng Megastar ay kitang-kita kung gaano na kalaking timbang ang nawawala sa kanya.

Malaking-malaki na ang inininipis ng katawan ngayon ng singer-actress, kaya masayang-masaya ang kanyang mga tagahanga, sa wakas ay nagtagumpay rin ang pangarap niyang magpapayat. Dati, kahit magtago sa kulay itim na damit si Mega ay umbok na umbok pa rin ang laki ng kanyang tiyan, umaalon ‘yun, may magkakaibang baitang.

Pero ngayon ay kapansin-pansin na flat na talaga ang kanyang tiyan, kahit ibang kulay ng damit ang isuot niya ay kapansin-pansin ang pagbabawas niya ng timbang, masayang-masaya ang mga Sharonians na tulad ni Bradly Guevarra.

Kaya lang ay maraming nakakapansin na malalaki pa rin ang mga braso ni Mega, napag-iwanan ‘yun sa pagbagsak ng kanyang timbang, namumutok pa rin sa laki ang magkabila niyang braso. Reaksiyon ng isang source, “Marami na akong nakitang nagpa-liposuction na naiiwanan talaga ang mga braso at binti sa pagpayat. ‘Yun ang pinakahuling lumiliit.

“Sa case ni Sharon, sumobra ang laki ng mga arms and legs niya nu’ng sumobra ang weight niya, kaya natural lang na ‘yun ang mga parts ng body niya na pinakahuling liliit.”

Read more...