May suwerte pa ba sa muling pag-aasawa? (2)

Sulat mula kay Nida ng South Ville Country Homes, Ma-a, Davao City
Problema:
1. Hindi ako pinalad sa una kong pag-aasawa, nagsama lang kami ng almost two years tapos nagkahiwalay na kami. Nagkaroon kami ng isang anak tapos nagluko at nambabae na siya. Sa ngayon ay namamasukan ako sa isang restaurant para buhayin ang kaisa-isa kong anak na babae at naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa ba ako?
2. At kung makapag-aasawa pa ako sa magiging maligaya na kaya ako sa ikalawang pag-aasawa? May nanliligaw kasi sa akin na isinilang noong April 28, 1985 at November 16, 1989 naman ang birthday ko. Compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan at hindi na kaya niya ako lolokohin?
Umaasa,
Nida ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing ang ikalawang lalaking darating sa buhay mo na panghabang buhay mo ng makakasama at mapapangasawa ay isinilang sa zodiac sign na Taurus, kagaya ng kasalukuyan mong manliligaw na may birthday na April 28, 1989.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing tugma at ka-compatible mo ang kasalukuyan mong manliligaw na may birth date na 28, kung saan, sa sandaling kayo ang nagkatuluyan may pangako ng isang maligaya at panghabang buhay ng pagsasama.
Luscher Color Test:
Upang maging mapalad ka na sa pag-aaswa at hindi na uli iwanan pa ng lalaking makakarelasyon mo lagi kang gumamit at magsuot ng mapalad mong kulay na pula at berde. Sa nasabing kulay magtutuloy-tuloy na ang tagumpay at ligaya sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-aasawa.
Huling payo at paalala:
Nida ayon sa iyong kapalaran kahit iniwan ka ng unang lalaking iyong pinakasalan hindi ka dapat malungkot at mawalan ng pag-asa, sapagkat sa ikalawang pakikipag-relasyon na unti-unti na ring magaganap sa taong ito ng 2016 sa edad mong 28 pataas hatid ng isang lalaking mas may edad sa iyo, tulad ng nasabi na sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-aasawa habang buhay ka ng liligaya.

READ NEXT
Golden Rule
Read more...