Herbert inaming hindi alam na inalok kay Robredo ang Boracay Mansion

robredo-0511-620x349

INAMIN ni Quezon City Herbert Bautista na hindi niya alam na inalok pala ni Vice Mayor Joy Belmonte kay Vice President-elect Leni Robredo ang Boracay Mansion para gawing opisina.
Iginiit naman ni Bautista na sa kabila na hindi siya nasabihan, isang karangalan na sa Quezon City balak mag-opisina ni Robredo.
Idinagdag ni Bautista na inatasan na niya ang City Budget Officer na makipag-usap para sa lease contract, samantalang pamumunuan ni Belmonte ang koordinasyon sa Office of the Vice President (OVP).
Aniya, kailangan din sundin ang iniaatas ng Commission on Audit (COA).
Nauna nang inihayag ng kampo ni Robredo na sa Boracay Mansion mag-oopisina ang bagong bise presidente.

Read more...