Sumalang sa orientation and crash course sa paggawa ng batas ang 38 bagitong kongresista na uupo sa 17th Congress ng Kamara de Representantes.
Sa kabuuan ay 68 na bagitong kongresista at 40 come backing solon ang sasalang sa orientation. Hinati sa tatlong batch ang mga kongresista na lalahok dito.
Isinasagawa ang Executive Course on Legislation sa Speaker Prospero C. Nograles Hall sa South Wing Annex.
Sa Huwebes ay papasok sa plenary ang mga sumasailalim sa orientation para sa kanilang orientation sa isasagawang sesyon.
Kasama sa mga dumalo kahapon si dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Bayani Fernando, Kabayan Rep. Harry Roque, Kabataan Rep. Sarah Elago at Manila Representatives Yul Servo at John Marvin Nieto.
MOST READ
LATEST STORIES