Ruffa: Tumanggi akong magpa-picture dahil late na ako sa flight ko!

ruffa gutierrez

KALAT na sa social media ang paratang ng isang netizen na isnabera at suplada raw pala sa personal si Ruffa Gutierrez.

Nangyari raw ang pang-iisnab ng beauty queen turned actress-TV host sa isang Pinoy sa Japan. Ayon sa Instagram user na may handle name na @satokimberly08, hindi raw nagustuhan ng kanyang tita ang inasal ni Ruffa nang mag-request ito ng picture taking.

“@iloveruffag galit na galit sayu tita ko suplada ka daw nakita ka niya kahapon sa nagoya eki magpapa pic sana pero nagmamadali daw kayu ! Hahahahaha! Nagwawala siya sa facebook subrang galit.” Agad namang nag-comment si Ruffa sa nasabing IG post, aniya hindi raw siya suplada o isnabera tulad ng sinasabi ng netizen.

Paliwanang ng aktres, “Bakit siya nagwawala sa galit?! Is it a pre-requisite that I MUST have my photo taken with her? Kindly tell your tita I declined to have my photos taken cuz I was rushing to catch my flight.  “As soon as I jumped on the train with my 4 suitcases the doors closed. I’ve never had a reputation of being suplada FYI. There’s a reason behind everything. Cheers! @satokimberly08.

 

Read more...