Nagkahiwalay ang kanilang mga magulang, maraming kuwentong lumabas tungkol sa kanilang nanay, diumano’y ipinagpalit nito sa mas batang karelasyon ang kanilang tatay. Ang kuwento ay pinigilan sila ng kanilang tatay na makipagkita sa kanilang ina, sobrang apektado ang mas nakababatang female personality dahil napakabata pa niya nu’n, pero palihim siyang nakikipagkita sa kanyang nanay.
Hindi na pala muling nabuo ang pamilya dahil matindi ang paninindigan ng kanilang ama. Ilang ulit palang nanghingi ng tawad ang kanilang ina pero talagang nagmatigas na ang kanilang tatay. “Pero bibilib ka sa magkapatid, kahit ano pa ang kumalat na kuwento tungkol sa mommy nila, e, naging mabubuting anak pa rin sila. Nirespeto nila ang mommy nila sa kabila ng lahat.
“Palihim silang nakikipagkita sa nanay nila, nakikipaglaban sila, kahit pa magkaroon sila ng tampuhan ng father nila. Ang hindi talaga nila magawa, e, ang mabuo uli ang family nila,” kuwento ng aming source. ‘Yun ang dahilan kung bakit maingat na maingat sa pakikipagrelasyon ang mas nakababatang female personality. Nakita niya kasi mismo ang senaryo nang magkahiwalay ang mga magulang nila.
“Responsable ang girl, hindi siya naligaw ng landas kahit pa sobra siyang nasaktan sa nangyari, instead, nakakuha siya ng aral sa nangyari sa family nila. Mas nag-ingat siya sa pakikipagrelasyon. “Kita n’yo naman, nu’ng mag-break sila ng ex-boyfriend niyang sikat na aktor, e, wala pa rin siyang nakakarelasyon hanggang ngayon, nag-iingat siya talaga.
“Kilalang-kilala mo kung sino ang magkapatid na itey, Bradly Guevarra, kontrobersiyal si ate ngayon!” pagtatapos ng aming impormante.