Sulat mula kay Nida ng South Ville Country Homes, Ma-a, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Hindi ako pinalad sa una kong pag-aasawa, nagsama lang kami ng almost two years tapos nagkahiwalay na kami. Nagkaroon kami ng isang anak tapos nagluko at nambabae na siya. Sa ngayon ay namamasukan ako sa isang restaurant para buhayin ang kaisa-isa kong anak na babae at naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa ba ako? At kung makapag-aasawa pa ako sa magiging maligaya na kaya ako sa ikalawang pag-aasawa? May nanliligaw kasi sa akin na isinilang noong April 28, 1985 at November 16, 1989 naman ang birthday ko. Compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan at hindi na kaya niya ako lolokohin?
Umaasa,
Nida ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang namataang Marriage Line sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1. at 2.). Ibig sabihin kung hindi ka sinuwerte sa unang pag-aasawa, malaki ang pag-asawa na sa ikalawang pag-aasawa papalarin ka na at habang buhay ng liligaya.
Cartomancy:
Ace of Clubs, Ten of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung nabigo ka man sa unang pag-aasawa, sa ikalawa, hatid ng isang lalaking mas may edad sa iyo may pangako na ng pang habang buhay na ligaya.
Itutuloy…..
May suwerte pa ba sa muling pag-aasawa?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...