BONGGA! mahigit 2.5 milyon na ang followers ni “Queen P” o ni Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, sa kanyang social media account na Instagram.
Nitong Hubes, sa kanyang post sa IG, nagpasalamat ang Filipina-German beauty queen sa kanyang mga fans dahil sa patuloy nilang pagsuporta sa kanya at kanyang mga adbokasiya.
“Thanks for the 2.5 million love. You guys are the best!” pahayag ni Pia sa kanyang post.
Samantala, lalong pinalakas ni Pia ang kanyang mga project laban sa Human Immunodeficiency Virus /Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).
Sa isa pa niyang post, nag-share din siya ng kantang experience matapos dumalo sa United Nations (UN) High-Level Meeting on Ending AIDS sa New York noong nakaraang linggo, kung saan nakilala niya ang mga opisyal ng UN gaya ni UNAIDS Executive Director Michel Sidibé.
“Unfortunately, Philippines has one of the fastest, if not the fastest growing HIV epidemic in the world. And the age bracket? Mostly 15 to 24 years old. And we’ve increased by 25‰ in the last decade…There is no shame in being involved. Remember, Ignorance is also an epidemic,” sey niya sa kanyang post.
“Had the privilege to meet our dignitaries from their government’s respective health sectors. And we did an ASEAN handshake with our dignitaries from Laos, Indonesia, Malaysia, Miss Universe?, Singapore & the Philippines. Bagay ba?,” dagdag pa niya.
Nag-volunteer din si Queen P para sa Gay Men’s Health Crisis (GMHC), isang nongovernment organization wrestling AIDS sa United States.