Mga batang estudyante adik na adik kay Super D

super d

LABAS-PASOK pala ng bansa si Sylvia Sanchez kasama ang asawang si Art Atayde para sa ilang business meetings kaya tanong namin sa aktres, “Hindi ka busy?” Ang alam kasi namin ay may regular show siya, ang Super D nina Dominic Ochoa at Marco Masa na napapanood sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

“As of now kasi, once a week lang taping ko sa Super D kaya nakakalayas ako. Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay, lahat ng anak ko may pasok na, si Xavi (bunsong anak) nasa regular school na, sa La Salle (Greenhills), sina Arjo at Ria may mga trabaho.

“Saka sandali lang naman ‘yung pag-umaalis kami, two days lang tapos alis ulit, tapos balik ulit, hindi nagtatagal, gusto ko lang din gumala,” ani Ibyang. Bale ba nu’ng nakausap namin ang aktres noong Biyernes bandang 11:30 ng gabi ay pauwi siya galing sa taping ng Super D at naririnig kong kausap ang driver niya na naglilista ng mga numero ng restaurant.

“Para pag may order ako, tatawagan ko na lang hindi na kami pupunta. Alam mo naman lagi kaming may handaan sa bahay. Pag tinatamad akong magluto, order na lang sa labas,” sabi sa amin. Kumusta naman ang taping nila sa Super D? “Okay naman, mabilis kami ma-pack up, ako lalo, before midnight tapos na. si Marco before 8 p.m. umuuwi na rin.”

Patok sa mga bata ang Super D dahil naririnig namin sa mga magulang na ang mga anak nila pagdating daw ng bahay galing sa eskwela ay nanonood na ng Super D.

Read more...