Stephen Curry, GSW coach Kerr pinagmulta ng NBA | Bandera

Stephen Curry, GSW coach Kerr pinagmulta ng NBA

Dennis Christian Hilanga - June 18, 2016 - 05:22 PM

PINAGMULTA ng NBA si Golden State star point guard Stephen Curry at head coach Steve Kerr ng tig $25,000 kasunod nang hindi magandang inasal nitong nakaraang game 6 ng best-of-seven NBA Finals kung saan nalasap ng Warriors ang 115-101 kabiguan kontra Cleveland upang itabla nang Cavaliers ang serye sa 3-3.

Pinatawan ng parusa ang dismayadong si Curry matapos ibato ang kanyang mouthpiece na tumama sa isang manonood nang tawagan siya ng ika-anim na foul, mahigit apat na minuto  bago tuluyang magwakas ang laro, na agad nagbunsod sa  kanyang otomatikong ejection sa court. Agad namang humingi ng paumanhin ang two-time league MVP sa fan na nakilalang anak ng isa sa mga may-ari ng Cavs matapos ang insidente. Nagalit si Curry dahil sa mga foul na itinawag sa kanya na maagang naglagay sa kanya sa foul trouble habang si Kerr naman ay pinagmulta dahilan sa kanyang mga naging pahayag ukol rin sa officiating. Gaganapin ang makasaysayang game 7 sa bahay ng Warriors sa Oracle Arena sa Oakland California USA sa Linggo, June 19, alas-8 ng gabi  (8 ng umaga Lunes sa Pilipinas) kung saan target nila ang ikalawang sunod na korona samantalang hangad naman ng Cavaliers na sungkitin ang kauna-unahang titulo sa liga at maging kauna-unahang koponan na mag-kampeon na nanggaling sa 1-3 pagkakabaon sa serye.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending