Siniguro ni Wally: Alden, Maine wala pa ring relasyon

wally at aldub

SIYEMPRE, isa si Wally Bayola sa mga umaasa na magkakatuluyan sa tunay na buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza. Nang dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga ay talagang naging malapit daw siya sa magka-loveteam.

“Wala naman kasing magiging problema kung magkakatuluyan sila. Pareho naman silang single. Walang boyfriend si Meng, walang girlfriend si Alden, so pwede.“Kaya lang, ang problema, busy silang dalawa sa work! Talagang ang focus nila ngayon ay ang kanilang trabaho,” ani Wally.

Inamin ng comedian na may mga araw na tinutukso niya ang dalawa na totohanin na ang kanilang love story, “Oo, ginaganyan ko sila! Nagtatanong ako. E, si Alden, naka-focus lang muna siya sa trabaho. “Kasi nakikita ko naman, naiintindihan ko naman siya. Sabi niya, parang ilang years na siyang nag-aartista, ngayon lang talaga nag-boom. So, naniniwala siya na ayaw niya munang pakawalan yun.

“Once in a lifetime lang dumating sa buhay ng isang artista yung pumutok, tapos wala nang continuity yung career. Naiintindihan ko siya sa part na ‘yun,” sey ni Wally.

Read more...