Aiai kay Vic: Mas lalo pa siyang pumogi…araw-araw kasi meron na siyang sex life!

aiai delas alas at vic sotto

“SAYANG, hindi ko natikman si Bossing!” Ito ang inamin ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa harap mismo ni Vic Sotto sa ginanap na presscon ng bago nilang sitcom sa GMA 7, ang Hay Bahay! na magsisimula na bukas ng gabi.

Ayon kay Ai Ai, totoong pinagnasahan daw niya noon si Vic, ito raw ‘yung panahong may mga girlfriend ang TV host-comedian, kaya hindi siya makasingit. Pero ngayon daw, “Wala na, kasi ayokong bastusin ang pagmamahalan namin bilang magkaibigan.

“At saka kasi, hindi lang kami kapwa-artista, boss ko si Bossing. Literal na boss ko siyang talaga (producer ng Hay Bahay). Siya ang nagpapasuweldo sa akin. Siyempre, di ba, ikaw ba naman, angkinin mo ba yung boss mo, e meron naman siyang asawa. ‘Maya, malasin pa ko nu’n!” chika pa ng komedyana.

Hirit pa nito, “Nu’ng mag-aasawa na siya, happy naman ako para sa kanya. Palagi kong sinasabi na, ‘Sayang, hindi kita natikman!’ Ha-hahaha! Parang pokpok na pokpok naman ako du’n! Huwag na, hanggang diyan na lang.

“At saka, nirerespeto ko si Bossing. Puro ganu’n lang yun, puro dakdak lang. Pero boss ko siya, nirerespeto ko siya. Ayokong mabahiran ng dumi yung pagkakaibigan namin, kasi clean yung friendship namin,” aniya pa during the Hay Bahay presscon.

Samantala, happy si Ai Ai dahil nabigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Bossing sa Hay Bahay. Unang nagkasama ang dalawa sa dati ring sitcom ng GMA ma 1 For 3 with Rosanna Roces. Sila rin ang magkatambal sa mga pelikulang “Enteng Ng Ina Mo” (2011) at “My Bebe Love #KiligPaMore” (2015)..

“Siyempre ngayon, mas swak na swak na kami ni Bossing. Modesty aside, dahil nga galing kami sa isang blockbuster movie na natuwa naman ang mga tao sa loveteam namin. So, parang yung continuation ng love team namin,” kuwento pa ng Box-Office Queen.

Natanong si Ai Ai kung meron bang nagbago kay Bossing sa muli nilang pagsasama? “Mas lalong pumogi at bumait, siyempre araw-araw may sex life siya, ‘no!” Hirit naman ni Vic, “Hindi naman araw-araw, four times a week lang, uy!”

Tungkol naman sa napabalitang pagpapatayo niya ng bagong bahay, sinabi ng komedyana na ito yung binili nila dahil nabenta na yung house and lot nila sa Ayala, “Una kong binili yung bahay ng mga anak ko sa America.

“Hindi muna kami bumili ng bahay ko dito, inuna ko sila du’n. Kasi, mas importante yung mga bata. Ako naman, okey lang ako. Kahit na sa Payatas, okey ako. “E, yung mga bata, siyempre mahirap yung nakikitira ka. Kasi, may asawa na si Miguel,” sey ni Ai Ai na ang tinutukoy ay ang dati niyang asawa na si Miguel Vera, tatay ng mga anak niyang sina Nicolo at Sofia.

Read more...