Erik walang pambayad sa tollgate, iniwan ang mamahaling pabango

erik santos

TAWA kami nang tawa kay Erik Santos nang makatsikahan namin noong Miyerkules ng hapon sa bagong bukas na restaurant sa Quezon City habang hinihintay niya ang inorder niyang pasta.

Napadaan lang daw ang singer dahil nakatsinelas lang ito, ginutom daw kasi siya and at the same time ay naroon din ang kaibigan niya na nahihiraman niya ng pera. Yes bossing Ervin, si Erik Santos ay hindi pala nagdadala ng cash kapag umaalis ng bahay kuwento mismo ng kaibigan niyang si Cynthia Roque, marketing head ng Cornerstone Talent Management.

“Sanay na ako kay Erik, Reggee, ganyan talaga ‘yan, hindi nagdadala ng wallet, basta naka-full tank ‘yan, lalakad na ‘yan, may credit line naman sa akin ‘yan,” sabi sa amin ni Cynthia. So, tipong Aga Muhlach pala si Erik na madalas ay walang dalang pera? Paano na kapag dumaan siya sa toll gate, ano ang ibinabayad niya?

At dito na kami natawa nang malakas dahil si Erik na mismo ang nagkuwento na, “Ay nangyari na ‘yan sa akin ate Reggee, wala akong dalang pera, e, dadaan ako sa toll gate, ayaw akong padaanin talaga, sabi ko, ‘Boss pasensya na, iwan ko ‘tong pabango ko, balikan ko na lang, buti pumayag.’ “Oo totoo, iniwan ko pabango tapos binalikan ko rin naman, kasi malapit lang naman sa bahay namin ‘yung toll gate,” kuwento pa ng singer.

Na-curious tuloy kami kung bakit may mga taong hindi nga talaga nagdadala ng wallet o cash sa bulsa, sagot sa amin ni Erik, “Ano, para iwas gastos, tipid din kasi pag may nakita kang gusto mo, ang tendency, bili ka ng bili, e, kung wala kang cash, hindi mo mabibili, hanggang tingin ka lang or puwede mong balikan na lang.

“Pero may dala naman akong credit card, in case magpapa-gas ako, so meron naman,” katwiran ni Erik.
Hindi naman daw siya kuripot tulad ng sinasabi sa kanya ng ilan, “Wise spender lang ako.” Regular na napapanood si Erik bilang isa sa mentor sa We Love OPM kasama sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Richard Poon tuwing Sabado at Linggo bukod pa sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime bilang isa sa hurado.

Ang ganda pa rin ng karera ni Erik hanggang ngayon kaya sabi namin sa kanya, isa na lang ang kulang, “Asawa, ate Reggee,” seryosong sabi niya sa amin.

Read more...