Louise, Sef magsasabong sa Lip Sync Battle

louise delos reyes at sef cadayona

NGAYONG Sabado, makakaharap ng Magkaibang Mundo lead star na si Louise delos Reyes ang comedian na si Sef Cadayona sa Lip Sync Battle Philippines.

Ayon sa Kapuso actress, matindi ang paghahandang kanyang ginawa para sa kanilang pagtutuos, “Alam naman natin, di ba na si Sef, kapag mga ganito, pinaghahandaan niya talaga. “Kaya ako, inaral ko talaga maigi yung character na pinili ko—mga nuances niya, galaw niya, buhok niya. As in package deal talaga kaya masasabi kong mas handa ako than him,” sabi ni Louise.

Para sa Round 1, napunta kay Sef ang “Loving You” ni Minnie Ripperton at ang Guns ‘N Roses hit naman na “Sweet Child of Mine” kay Louise. On the second round, mas titindi ang laban kapag nag-transform na si Luis bilang si Lady Gaga with “Bad Romance” kasama ang isang taong special sa kanya ngayon. Pagsasabayin naman ni Sef ang pagpapatawa at pagsasayaw with his Bollywood inspired performance of Pussycat Dolls’ “Jai Ho”.

Tutukan ang labanan ng komedyante at drama actress sa Lip Sync Battle Philippines tonight after Pepito Manaloto sa GMA.

Read more...