Boy George nakalimutan ang pagkabading nang makita si Gretchen Fullido: She’s pretty!

gretchen fulido at boy george

NAAGAW ng TV Patrol showbiz anchor na si Gretchen Fullido ang pansin ng international gay music and fashion icon na si Boy George.

Sa media conference na ipinatawag ng producers ng “one night only” Manila concert ni Boy George kasama ang dati niyang grupong Culture Club, inamin ng award-winning singer na nabighani siya ng ganda ni Gretchen.

“You are very pretty,” sey ng British singer kay Gretchen. “If I wasn’t gay,” ang pabiting hirit pa nito sabay ngiti at kindat. Siyempre, nabigla si Gretchen sa sinabi ni Boy George kasabay ng malakas na tawa. Inamin naman nito na isa rin siya sa milyun-milyong Pinoy fans ni Boy George.

Ngayong gabi na magaganap ang kauna-unahang concert ng 55-year-old na international singer at ng Culture Club sa bansa kaya naman talagang pinaghandaan daw nila ito para sa kanilang Filipino fans. Inaasahan din daw niya na makiki-sing along ang audience sa kanilang mga classic hits tulad ng “Karma Chameleon”, “War Song” at marami pang iba.

Ngunit ayon kay Boy George, maraming pwedeng mangyari sa concert na ikabibigla ng manonood, dahil aniya, “In the old days, we have a lot to prove because people don’t know us as much. Now, our audience has quite a long relationship with us.

“So it cuts out the small talk and we can put on a very vibrant show and sing our hits. It’s going to be relentless and I think people will be very happy,” sey pa ng gay icon.

Read more...