ENGAGED na pala si Johan Santos.
“About two months pa lang kami then engaged na kaagad dahil matagal na kaming magkakilala kasi.
Ganon talaga kapag mutual ang feelings ninyo, ‘yung iba ang pakiramdam n’yo sa tao. Ibang-iba talaga siya, eh,” say ng bida ng “KU’TE” na isa sa entries sa Filipino New Cinema section of the 2016 World Premieres Film Festival. Ang premiere night nito ay sa SM North EDSA Cinema on July 1 at ang regular theater showing ay sa Sept. 7.
“May plano kami na by two year’s time (ay magpapakasal kami). Iba kasi ang feeling na kapag nandodoon ka iba. Miss Global siya tapos may plano pa siyang sumali sa isang pageant,” dagdag pa ni Johan.
May bar business pala si Johan sa Caloocan. One month na itong operational.
“Iniisip ko kung ano pa ang ibang business na puwede kong pasukan. Mahirap naman kasi talaga at hindi kapag artist ka ay stable ka na. The last soap na nagawa ko was Flordeliza. Meron naman akong guesting sa Ipaglaban mo. Bumabawi na lang ako talaga sa out-of-town shows, mga kampanya during the last elections. Medyo okay naman kaya awa ng Diyos ay nakaraos din.”
Bading ang role ni Johan sa KU’TE” directed by Roni Bertubin at ang balita namin ay ang galing-galing niya sa movie.
He added, “Actually, tinanong ko pa siya (direktor) kung sino ang peg ko. Dati kasi ina-advice niya ako kung ano ang mga nuance. Sabi niya, ‘wag kang halatang magpakabading na bading. Parang labas agad kasi ang pagkabading mo.”