ALESSANDRA: Hoy! may boobs ako, ‘NO!

alessandra de rossiTAWA kami nang tawa kay Alessandra de Rossi sa presscon ng pelikulang “Alfredo S. Lim: The Untold Story”.

Tinanong kasi siya kung bakit hindi sila na-link ng kanyang leading man sa movie na si Cesar Montano.

May nagbiro kasi na hindi raw kasi type ni Buboy ang mga babaeng maliit ang boobs, dumepensa naman agad ang aktres, “May boobs ako, ‘no?

Iniiwan ko lang sa bahay, para magmukha akong harmless!

Mahirap na, mahirap na!”

Pumayag si Alex na magpahalik kay Cesar sa nasabing pelikula, kahit na sinasabi niyang hindi siya pabor sa mga proyektong may kissing scenes at love scenes.

Bakit kaya?

“E, kasi naman po, usually dahil sa mga roles na napupunta sa akin sa TV…yung kontrabida, most of the time ang character description ay, ‘Ginagamit ang katawan para makuha ang gusto.’

Iyon lagi ang nakalagay.
“So hindi ko tinatanggap yung ganoong klaseng role.

Pero since kami naman ni Cesar, mag-asawa kami dito, sobrang sweet lang ‘yung scene.

Ayoko kasi noong hinahalik-halikan ako dito (sa leeg). Hindi ko talaga keri, hindi talaga!

“Ayoko ng dinidilaan ako sa leeg.

Ay naku, hindi puwede ‘yan! Yung kissing scene namin, yung sa mag-asawang nagkabati lang.

Hindi siya yung may gagawing masama o hindi kaaya-aya sa aking mga mata, alam mo yun?

Ayaw ng mga fans! It’s part of my self-preservation!” tuluy-tuloy na pahayag ni Alex.

Read more...