Sulat mula kay Clarissa ng Poblacion, Kinogitan, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
1. May boyfriend po ako sa ngayon at nag-aaya na siyang magpakasal. Ang sabi niya sa akin ay magpa-civil wedding na raw kami sa darating na June 24. Ang problema, hindi po niya alam na hindi na ako virgin. Biktima po kasi ako ng rape noong Grade VI ako sa probinsya ng father ko noong doon pa kami nakatira sa Agusan. Natatakot po akong ipagtapat sa boyfriend ko ang katotohanang ito dahil baka bigla niya na lang akong iwanan.
2. Itatanong ko lang po kung kahit kaya malaman ng kasalukuyan kong boyfriend na hindi na ako virgin, matutuloy pa rin kaya ang kasal namin? Hindi kaya magbago ang isip niya? Sa palagay n’yo ang kasalukuyan ko na po bang boyfriend ang makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya? April 4, 1992 ang birthday ko at December 10, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Clarissa ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang boyfriend mo ang nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong fire o apoy. Ibig sabihin, ano’t-anoman ang mangyari, malaman niya man o hindi niya malaan na hindi ka na virgin, hindi na magbabago ang pagmamahal niya sa iyo kaya naman sa buwan ng Hunyo, siguradong matutuloy ang kasal ninyo.
Numerology:
Ang birth date mong 4 at 10 naman ang boyfriend mo ay tugma rin at compatible sa isat-isa dahil kapwa kayo pinaghaharian ng planatang Sun-Uranus. Kapag kayo ang nagkatuluyan, walang duda, susuwertehin at pagpapalain ang inyong itatayong pamilya.
Graphology:
Hindi naman nababoy o naburara ang iyong lagda, sa halip, pagdating sa gitna hanggang dulong bahagi ng iyong pirma, lalo pa itong naayos at gumanda. Ibig sabihin, habang nagkaka-edad ka, tulad ng nangyayari sa kasalukuyan, lalo pang gaganda at magiging maligaya ang iyong karansan.
Huling payo at paalala:
Clarissa, wala ka namang problema sa ngayon, dahil kahit na ipagtapat o hindi sa boyfriend mo ang iyong nakaraan, hindi naman makakaapekto iyon sa nalalapit ninyong kasal. Tulad ng nasabi na, anuman ang matuklasan ng boyfriend, hindi na magbabago pa ang pagmamahal nya sa iyo. Hindi na rin mahahadlangan pa ang nakatakda. Matapos ng inyong kasal, ang inyong relasyon ay hahantong sa isang masagana at panghabangbuhay ng pagmamahalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.