Patay sa pagguho ng lupa | Bandera

Patay sa pagguho ng lupa

John Roson - June 16, 2016 - 04:57 PM
baguio Dalawang tao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa sa Sorsogon at Baguio City nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Nasawi si Salvador Cadag, 40, sa insidente sa Brgy. Ogod, Donsol, Sorsogon, dakong alas-3, ayon sabi ni Supt. Nonito Marquez, tagapagsalita ng provincial police. Bagi ito, napansin ni Cadag na tila mababagsakan ng lupa mula sa isang burol ang trak ng kanyang amo kaya sinubukang iligtas ang sasakyan. Na-start pa ni Cadag ang makina, pero di na nakaalis dahil nabagsakan na ng puno at maraming lupa kasama ng trak. Dakong alas-9 naman ng umaga, nasawi ang construction worker na si Arthur Danis, nang mabagsakan din ng lupa sa pinagtatrabahuhang lugar sa Baguio City. Naghuhukay si Danis ng butas na pagtitirikan ng poste ng itinatayong UP Dormitory, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending