DALAWA pang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso ang na-veto ni Pangulong Aquino, kabilang na ang dagdag-sweldo para sa mga nars.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na ipinaalam na ni Executive Secretary Paquito, Jr. kina Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon ang naging pag-veto ni Aquino.
Kabilang sa mga na-veto ay ang panukalang Comprehensive Nursing law kung saan naglalayong taasan ang sahod ng mga nars.
“In his message, President Aquino noted that the minimum base pay for entry-level nurses has already been increased through Executive Order No. 201, series of 2016, which raised their total guaranteed annual compensation from P228,924.00 to P344,074.00, apart from other benefits and allowances they receive, such as under the Magna Carta of Public Health,” sabi ni Coloma.
Idinagdag ni Coloma na apektado ang operasyon ng mga pribadong ospital, ng mga ospital ng mga lokal na pamahalaan at maging ang mga ospital ng gobyerno.
“The President said that the bill, which proposes to further increase the entry level salary for nurses by four grades, will undermine the existing government salary structure and cause wage distortion not only among medical and health care practitioners but also other professionals in the government service,” ayon pa kay Coloma.
Sinabi pa ni Coloma na kapag pinayagan ito, mahihigitan na ng mga nars ang sweldo ng mga optometrist at dentist.
Na-veto rin ang condonation ng mga hindi nabayarang buwis ng mga lokal water district.
“The President said the bill sends a message to errant taxpayers that delinquency is acceptable since amnesty or condonation may be given anyway, even without benefit of proper documentation. He added that the proposed bill is disadvantageous and can undermine the government’s strict tax collection efforts,” ayon pa kay Coloma.