Hindi na virgin

Sulat mula kay Clarissa ng Poblacion, Kinogitan, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon at nag-aaya na siyang magpakasal. Ang sabi nya sa akin ay magpa-civil wedding na daw kami sa darating na June 24. Ang problema hindi po niya alam na hindi na ako virgin. Biktima po kasi ako ng rape noong Grade VI ako sa probinsya ng father ko noong doon pa kami nakatira sa Agusan. Natatakot po akong ipagtapat sa boyfriend ko ang katotohanang ito dahil baka bigla nya na lang akong iwanan. Itatanohng ko lang po kung kahit kaya malaman ng kasalukuyan kong boyfriend na hindi na ako virgin, matutuloy pa rin kaya ang kasal namin? Hindi kaya magbago ang isip nya? Sa palagay nyo ang kasalukuyan ko na po bang boyfriend ang makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya? April 4, 1992 ang birthday ko at December 10, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Clarissa ng Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maayos at maganda naman ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay maliwanag na tanda na kung sino ang unang boyfriend mo ng seryoso at totohanan, walang duda ang boyfriend mo na ring ito ang iyong makakatuluyan, at makakasama habang buhay virgin ka man o hindi ka na virgin.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tapat sa iyo ang kasalukuyan mong boyfriend, kung saan, hindi lang virginity mo ang mahalaga sa kanya – kundi ikaw mismo Ibig sabihin mahal na mahal ka ng kasalukuyan mong boyfriend kaya wala kang dapat ipagalala, tulad ng nasabi na, kahit hindi ka na virgin, tiyak ang magaganap – matutuloy ang inyong kasal sa darating na June 24.
Itutuloy…

Read more...