ANG notorious at kinatatakutang Abu Sayyaf ay magbabayad ng malaki sa pamumugot nila s Canadian hostage na si Robert Hall upang ipahiya ang papasok na administrasyon ni Rodrigo “Digong” Duterte.
Hindi nila kilala si Mano Digong.
Ibang-iba si Digong kay President Noynoy na mababa ang pagtingin ng Abu Sayyaf dahil itinuturing nila ito na isang “weakling” o pinagtutulak-tulakan.
Nakakaawa ang Abu Sayyaf kapag dumating ang oras nila.
Huwag sanang ma-shock ang bansa sa mangyayari sa Abu Sayyaf sa darating na administrasyong Digong.
Isa lang ang dapat gawin ng gobyerno sa pakikitungo sa mga masasamang Moro at yan ay pantayan o higitan pa ang kanilang kasamaan.
Ang mga Tausog, mga Muslim ng Sulu, ay gumagalang lamang sa mga hindi Muslim o Kristiyano na puwedeng pantayan ang kanilang karahasan.
Kapag pinugutan ng isang Tausog ang iyong kapatid, dapat ay pantayan o higitan mo ang kanyang ginawa.
Karamihan sa mga Abu Sayyaf ay Tausog.
Ang isang nakakaalam sa pag-iisip ng Tausog ay si retired Lt. Gen. Salvador Mison na ngayon ay mataas na opisyal sa isang malaking kumpanya sa Makati.
Noong si Mison ay commander ng isang Army brigade sa Jolo, Sulu ng dekada ’70, isang barkong pampasahero ay hinay-jack ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Mahigit na sandaang pasahero ang hinostage ng MNLF na humingi ng ransom.
Nakiusap si Mison sa mga rebelde na palayain ang mga bihag; sa halip na sumunod ay nagbanta sila na papatayin nila isa-isa ang kanilang mga bihag kapag hindi naibigay sa kanila ang ransom.
Kinabukasan, bumalik si Colonel Mison sa barko at sinabi sa mga hostage-takers na nasa mga kamay ng gobyerno ang kanilang mga nanay, tatay, tiyuhin, tiyahin, asawa at anak.
“Patayin ninyo ang mga bihag at papatayin namin ang mga mahal ninyo sa buhay,” ani Mison.
Ang mga hostages ay pinakawalan agad.
Ayaw ko sanang ungkatin pa ang nangyaring pagmamalabis ng magkabilang panig noong pag-aalsa ng MNLF noong mga dekada ’70 at ’80.
Pero kailangan upang matutunan ng Abu Sayyaf ang leksiyon noong mga taong nakalipas.
When the MNLF went on a rampage in Muslim Mindanao in the early ‘70s, walang makapigil sa kanila.
Ang gobyerno ay hindi pa handa sa pagsupil sa MNLF at ito’y nag-train ng bata-batalyon ng mga sundalo sa Luzon upang ipadala sa Mindanao.
Isang grupo ng mga magsasaka sa mga probinsiya ng Cotabato, na mga nanggaling sa Panay island sa Visayas, ang lumaban sa mga rebeldeng Moro.
Kung hindi sila nag-“hold the line” ‘ika nga, baka ang mga karatig probinsiya at lungsod sa Mindanao ay maaaring mapasakamay ng mga rebelde.
Ang mga armas ng Ilonggong magsasaka ay hindi kasing moderno ng mga sandata ng MNLF na pinadala sa kanila ng
mga bansa sa Middle East at dumaan sa Malaysia.
Pero mas matatapang ang mga Ilonggong magsasaka, na tinawag na mga “ilaga” (daga sa Tagalog).
Kapag namugot ng isang Kristiyano ang mga MNLF, sampung Muslim ang pinupugutan ng mga Ilaga.
At hindi lang yan ang ginawa ng mga Ilaga.
Kapag nakakapatay sila ng rebeldeng MNLF, tinatanggal nila ang mga lamang-loob nito, niluluto at kinakain sa harap mismo ng mga rebeldeng MNLF na nahuli nilang buhay.
Ang ignoranteng Muslim ay naniniwala na kapag kinunan ng lamang-loob ang kanyang bangkay, hindi siya makakapasok sa langit.
Karamihan ng mga rebeldeng MNLF ay mga ignoranteng Muslim.
Dahil napabalita ang kakaibang ginagawa ng mga Ilaga sa kanilang mga bihag, ayaw nang lumaban ang ibang mga miyembro ng MNLF.
Kung kilala ko si Mano Digong, na may dugong Ilonggo, hindi siya mangingiming gawin sa mga Abu Sayyaf ang ginagawa nila sa kanilang mga bihag.