SPEAKING of anak, four months nang preggy si Kristine Hermosa sa ikaapat na anak nila ni Oyo Sotto. Pero this early, hindi pa raw sure ang mag-asawa kung gagawa pa sila uli ng isa pang babay.
“Dapat kasi okay na sana. Ang nangyari kasi, pumunta kami ng hospital the other day, nalaman namin kung ano ang gender, nalaman namin na boy na naman,” ani Oyo. “E, nagpi-pray kami sana ng girl para at least dalawang boys at dalawang girls, okay na. Siguro, ayaw pa ni Lord na tumigil kami. Kailangan pang sumubok ng isang girl sana after nito,” chika pa ng Kapuso actor.
Hirit naman ni Bossing sa mag-asawa, “Sinusunod naman nila yung sinuggest ko noong kasal nila, e. Gawa kayo nang gawa ng bata, maganda ang hulmahan, e. “Ang gaganda ng mga anak nila, e, kaya banat nang banat hanggang kaya. Masunurin naman, apat na, ayaw pang tumigil!”